patawad, Pilipinas (forgive me, Philippines)

my sentiments, too 🙂

A Reading Writer

Patawad, Pilipinas
Hindi ako makakaboto bukas.
Ang mga paa ko’y nakaapak
sa isang malayong landas.
Kumakayod para sa pamilyang
hugutan ng lakas.

Subalit, Pilipinas,
dinig ko ang iyong hikbi.
Umiiyak din ang aking puso,
na para bang ako’y sawi
sa nakikitang mga pangalang
sa malamang ay magwawagi.

Oo, Pilipinas,
mahina ako sa Filipino.
Sa simpleng ng at nang
ako nga ay litong-lito,
subalit hinding hindi
sa mga taong dapat iboto.

Oo, Pilipinas,
nagtatanong din ako
kung bakit nga ba mas marami
ang boboto sa mga manloloko.
Marahil mas mainam ang kilala
kesa sa mga bago.

Oo, Pilipinas,
nakakatakot nga ang bukas.
Marahil may himala,
baka matalo ang likong pantas.
Baka ang nag-iisip,
sa wakas ay magsilabas.

Patawad pa rin, Pilipinas
hindi ako makakaboto bukas.
Baunin mo ang aking dasal
mula sa malayong landas.
Kainin ka man ng dilim bukas,
Pilipinas, hindi ito ang wakas.


Translation:

Forgive me, Philippines,
I cannot…

View original post 184 more words

3 thoughts on “patawad, Pilipinas (forgive me, Philippines)

Leave a comment